<!-- --><!-- --><style type="text/css">@import url(http://www.blogger.com/css/navbar/classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> <!-- --><style type="text/css">@import url(http://www.blogger.com/css/navbar/classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> <link rel="shortcut icon" href="http://www.geocities.com/goh_rita33/favicon.ico" /> <meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7084482775709491858\x26blogName\x3d-%3DThe+Chronicles+of+ZIONNE%3D-\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://pulseunrated.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://pulseunrated.blogspot.com/\x26vt\x3d4360951467849298937', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=2432823265374446606&blogName=Blendednotes&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Fblendednotes.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Fblendednotes.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=3912990342876537107&blogName=Everyday%2C&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Fbeautifullyengraved.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Fbeautifullyengraved.blogspot.com%2Fsearch" height="30px" width="100%" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" id="navbar-iframe" frameborder="0"></iframe> <div id="space-for-ie"></div> ~ZIONNE~ {it's all or nothing}
.Saturday, August 18, 2007 ' 7:04 AM Y

Another story

this story actually haunted me for days...ewan ko lang kasi maski ako yung gumawa natakot ako...

By the way, the story was inspired on the story, ANG KALUPI by BENJAMIN PASCUAL

-----------------------------------------------------------------------------

“Jamie”

Katatapus lang ng exams ni Jamie. Pagod na pagod itong nagabang ng bus sa tapat nang kanilang eskwelahan. Matindi ang init ng sikat ng araw dahil nga ay July palamang, malayu-layo pa sa tag ulan.

“Ang init. Hirap pang sumakay” sabi ni Jamie.

Sa sobrang init ng ulo ni Jamie ay naglakad siya papunta sa may waiting shed. Duon ay may bakanteng upuan at duon umupo.

“Susko, mag aala una na. Inaantok na ako, may last test pa kami bukas. Bwisit talaga!” muktol nitong si Jamie.

Sa kanyang paghihintay, ay napatayo ito sa harapan ng waiting shed. Inayos ang medyo nagusot niyang paldang pampasok na kulay asul at ang collar ng kanyang puting blouse. Maya-maya’y may nakita siyang isang madungis na bata. Tila wala ito sa kanyang sarili.

“Ate pahingi ng pera” sabi ng bata.

“Wala” galit na sabi ni Jamie.

“Ate asan nanay ko?” tanong ng batang gusgusin na nanlilimahid sa grasa at dumi.

“Hindi ko alam! Umalis ka nga sa harapan ko mabahong nilalang!” sabi ni Jamie.

“Asan ang nanay ko? Asan?” sabi ng batang gusgusin habang hinahawakan at niyuyugyog si Jamie.

“Anu ba bitiwan mo ko!” sabi ni Jamie saka itinulak ang bata. Napaupo ito. Tumayo ang bata at tinignan siya ng masama. Dumila ito sa kanya, tumakbo ng saglit saka dumila at nagsasasayaw.

Nainis si Jamie. Muli itong umupo. Nang kinapa nito ang bulsa niya, nakita niyang wala ang kanyang pera. Hinanap niya ito sa bag niya. Wala. Nanginit ang ulo ni Jamie at tumayo itong muli. Nakita niya ang bata na nasa kabilang kanto. Dali dali itong tumawid sa kabilang kanto at tinawag ang bata.

“Hoy!” sigaw ni Jamie. Nilapitan nito ang bata at pinaghahampas ng bag sa ulo at pinagbububugbog.

“Ilabas mo yung pera ko!” sigaw ni Jamie habang sinasaktan ang bata. Nakatingin lang mga tao sa paligid. Tila wala silang pakialam sa bata.

“Wala! Wala akong pera!’ sigaw ng bata habang nanlalaban kay Jamie. Pinaghahampas ng bata ng kamay niya si Jamie habang sumisigaw ito ng malakas. Pilit namanng lumalaban si Jamie. Pinagsasampal niya ang bata. Walang anu ano’t napatigil ang bata at sumigaw ito ng malakas…

“WALAAAAAAAAA!” sigaw ng bata, saka itinulak nito si Jamie.

Tumakbo ito papunta sa highway. May paparating na bus. Lumingon it okay Jamie at nag “beh-beh” nanaman ito. Nakaupo lang si Jamie at napalingon sa bus. Nabundol ang bata. Gulat na gulat si Jamie sa kanyang nasaksihan. Kitang kita niya ang mga mata ng bata, nakadilat at ang direksyon ay nakatuon sa kanya. Kinilabutan si Jamie dahil sa imahe ng batang duguan. Dinumog ng tao ang malamig at duguang bangkay ng bata. Sa sobrang gulat ni Jamie ay napasakay ito sa jeep. Pinagpapawisan siya’t kinakabahan. Malakas ang ugong ng puso niya’t pulso. Sinabi niya sa tsuper na wala siyang perang pamasahi. Pinautang naman siya ng kanyang katabi.

Pagkauwi sa bahay ay gulat parin si Jamie. Hinagis niya ang kanyang bag at kumuha ng libro. Humiga siya upang magbasa. Pagkabuklat ni Jamie sa ika-17 pahina, nagulat siya ng may nahulog…

Ang pera niyang singkwenta pesos.

Napatayo si Jamie sa pagkakahiga. Muling nanariwa sa kanyang gunita ang mga mata ng batang nabundol na nakatitig mismo sa kanya. Muli niyang narinig ang boses ng bata, na nagsasabing hindi siya ang kumuha ng pera. Walang anu ano’t tumulo ang luha ni Jamie, natigilan at biglang napatingin sa imahe ni Hesu Kristo na nakasabit sa kaniyang dingding.

-=THE END=-


~Salve REGINA~


. ' 6:08 AM Y

My short scary story?

It's been a long time since the last time I updated my blog...

so here's a story that I made...hope you'll enjoy it ^^

----------------------------------------------

“On the Road”

Alas dos na nang madaling araw ngunit nasa daan parin ang mag syotang sila Alice at Glenn. Galing kasi sila ng Graduation Ball nila sa college tapos diretso na sila sa bahay nila Alice sa Laguna. Alas dose na natapos ang ball kaya’t inabot sila ng dis oras ng gabi sa daan.

“Glenn, dis oras na nang gabi, ang layo pa natin, hindi ka pa ba inaantok?” tanong ni Alice kay Glenn.

“Hindi pa naman. Pero medyo. Kaya ko panaman eh kaya don’t worry” sabi ni Glenn. Natahimik nalang si Alice. 25 minutes later, ay talagang nakikita na ni Alice na tumutungka na si Glenn.

“Glenn, anu ka ba, pwede naman tayong tumigil sandali ha? Inaantok ka na magpahinga muna tayo” sabi ni Alice. Marahil siguro kaya inaantok si Glenn ay dahil narin sa nainom nitong wine.

“Hindi. Promise, hon, kaya ko pang mag drive. Don’t worry everything’s fine” sabi ni Glenn.

“Bahala ka nga!” sabi ni Alice saka binuksan niya ang iPod niya. Hindi ito mabuksan, kaya’t itinapon ni Alice ito sa likod ng van.

“Oh, ano baket?” sabi ni Glenn.

“Nakakainis kasi. Kung kelan ko kailangan yung iPod ko saka nawalan ng batirya” sabi ni Alice saka tumingin sa bintana. Nakita ni Alice sa side mirror na may kasunod na motorsiklo ang van nila.

“Glenn ingat ka sa pagmamaneho. Medyo bumibilis tayo” sabi ni Alice kay Glenn.

Napansin ni Alice na tila bumibilis ang takbo ng motorsiklo. Malapit na ang repleksyon nito sa side mirror. Napaangat ang likod ni Alice mula pagkakasandal dahil sa nakita niya.

“Glenn kilala mo ba yung taong nakamotor?” sabi ni Alice.

“Huh?” sabi ni Glenn sabay tingin sa rear mirror. Ang tindi ng ilaw ng motor. Hindi maaninag ni Glenn ang mukha ng taong nakamotor.

“Di ko makita yung mukha niya. Bakit?”

“Mukha kasing sinusundan tayo eh. Kanina lang medyo malayo pa siya pero ngayon kita mo, ang lapit na niya satin” sabi ni Alice.

“Sige…baka gusting makipaglaro” sabi ni Glenn. Kinabig ni Glenn ang manibela at tinapakan ang gasoline saka nagpaharurot ng mabilis. Nakita nilang nagpabilis din ng andar ang motorsiklo at halatang sinusudan na sila.

“Glenn! Natatakot na ako! Bilisan mo!” sabi ni Alice, habang palingon lingon sa likod ng van.

Lalo pang binilisan ni Glenn ang sasakyan, pero nakarating na sa gilid ng driver’s seat and motrosiklo. Naka all black ang lalake, naka helmet din itong black at hindi mo maaninag ang mukha nito.

“Anak ng…” sabi ni Glenn nang makita niya ang lalakeng nakamotor sa tabi niya. Namulagat ang mga mata ni Alice sa nakita niya.

“Glenn! Sino yan?” sabi ni Alice kay Glenn.

“Hindi ko alam!”

Walang anu ano’t nagpakita ng isang samurai sword ang lalakeng naka motorsiklo. Napasigaw si Alice sa sobrang takot. Pilit na nagpatakbo ng mabilis si Glenn, habang sigaw ng sigaw si Alice.

“Bilis! Glenn! Bilis pa!” sigaw ni Alice kay Glenn. Pinaharurot ng mabilis ni Glenn ang van ngunit nasusundan paren ng lalake sila Glenn. Kinasakas ng lalake ang samurai sword sa pinto ng Van na siyang nagdulot ng malaking scratch sa pinto. Sigaw parin ng sigaw si Alice dahil sa sobrang takot. Ginitgit ni Glenn ang motorsiklo. Natamaan ang motorsiklo, ngunit tinusok ng lalake ang gulong ng van, dumerederetso ang van at nabanga ito sa isang puno. Malakas ang pagkakabanga.

Bahagyang nawalan ng malay ang dalawa, ngunit pagkatapos ng 1 minuto ay nagkamalay na sila. May sugat sa ulo at sa balikat si Alice, gayun din si Glenn. Nahihilo itong tumingin tingin sa paligid.

“Glenn!” sabi ni Alice.

Alice…ok ka lang?”

“Ok lang ako. Asan na yun?” sabi ni Alice. Pilit na lumingon si Alice sa likod. Nakita niya ang nakasalampang motorsiklo at ang lalaki.

“Jusko Glenn, napatay ata natin siya” sabi ni Alice

“Abswelto tayo niyan. Self defense ang ginawa natin” sabi ni Glenn

Napasandal si Alice nang saglit. Nagbuntong hininga saka pumikit. Si Glenn naman ay lumingon ulit sa likod. Wala na ang lalaki at ang motor.

Alice! Yung lalake at yung motor, nawala!” nakakagulat na sabi ni Glenn kay Alice.

“Huh? Kanina lang andyan yun eh!” sabi ni Alice.

Natakot ang dalawa. Natahimik. Tanging ang mga himig ng kuligkulig ang maririnig. Ang mga pagaspas ng hangin sa mga dahon ng puno rin ay mistulang ingay sa mga tenga nila. Mayamaya’y narinig nila ang isang ingay. Isang ingay na mistulang nagpapaandar ng motor. Papalapit ng papalapit ang tunog. Napalingon si Alice sa kanyang kanan at nagulantang sa kanyang nakita. Ang lalaking nakamotor, duguan ang mukha, labas ang kaliwang mata, gulagulanit ang suot at ang samurai sword nitong hawak ay naka tusok sa kanyang likod at lumabas sa kanyang tiyan. Buhat buhat nito ang motor habang umaandar.

“Tigilan mo na kame! Anu ba!” sabi ni Alice habang nagsisigaw ito. Papalapit na ang lalaki. Hindi rin mabuksan ng dalawa ang pinto ng van kaya’t nagsisigaw nalang sila ng tulong.

Nangmakalapit ang lalaki, bigla nitong binagsag ang bintana saka tinutok ang gulong ng umaanadar na motorsiklo. Sumigaw ng sumigaw si Alice habang hinahatak siya palayo ni Glenn na sumisigaw naren. Idinikit ng lalake ang gulong ng motor sa mukha ni Alice. Napaiyak at napahiyaw sa sakit si Alice. Dumaloy ang dugo mula sa kanyang mukha. Nangingisayngisay pa si Alice habang umaandar sa mukha nya ang gulong. Halos madurog ang mukha ni Alice hangat sa mamatay ito. Natahimik si Glenn sa sobrang gulat, habang tinititigan niya ang duguang bangkay ni Alice. Lumabas nalang si Glenn sa kanyang van. Nawala ang lalaki.

Hinanap ni Glenn ang lalaki kung saan saan. Wala. Ni bakas ng lalaki ay wala. Tumayo si Glenn sa gilid ng van, nang biglang nagdilim ang paligid.

Napaupo nalang si Glenn dahil sobrang dilim ng paligid. May nakita siyang mga bakal na rehas, tumutulong tubig at naging malamig na semento ang maalikabok na daan. Isang flashlight ang bumungad sa kanya, nagmumula ito sa isang warden.

“Oh ano, naturukan niyo naba ‘to?” sabi ng warden sa kasama nito.

Tinurukan ng doctor si Glenn ng pampapakalma. Sinabi niya sa doctor

“Totoo ang nakita ko. Yung lalaking nakaitim, andyan siya” sabi ni Glenn sa doctor. Sa insidenteng nangyari sa kanya at sa girlfriend niya isang taon na ang nakakaraan.

“Tama na Glenn, wala siya dito” sabi ng doctor saka pinahiga si Glenn sa. Nanatiling naka talukbong si Glenn, tila takot na takot ito. Natahimik na buong silid niya, tanging ang tumutulong tubig na lamang ang naririnig. Nanlaki ang mga mata ni Glenn. Nasira ang katahimikan dahil sa ingay ng pagpapaandar ng motorsiklo. Inalis ni Glenn ang kanyang talukbong, at nakita nya ang lalaking nakaitim na pumaslang sa kanyang kasintahan.

“Wag! Waaaaaaaag! Waaaaaaaaag!” sigaw ni Glenn habang papalapit na sa kanya ang lalaking nakamotor. Bumalot ang sigaw ni Glenn sa tahimik na eskinita ng mga tila-bilanguang mga kwarto ng mga naka confine sa MADHOUSE. Ang mga baliw na confine dito ay nagsigawan na rin. Ang alingawngaw ng mga baliw ay nagdagdag ng ingay sa buong lugar.

Pinuntahan ng mga doctor ang madhouse. Tinignan ng mga doctor ang kwarto ni Glenn. Nakita nila si Glenn na nakahandusay sa sahig, labas ang lahat ng lamang loob. Nagulat ang mga doctor at agad na tumawag ng pulis at ambulansya.

-=THE END=-


~Salve REGINA~



x Disclaimer

Take Note ♥

©Copyrighted 2007
http://pulseunrated.blogspot.com/
BEHOLD...Listen and Read... ZIONNE 29
I'm nice. So nice I could be your worst enemy

All Rights Reserved © Original
100% Copyrighted 2007



N Site Master

Who art thou? ♥


Name: Krenn T. Jolongbayan Age: 17
Birthday: November 15, 1990
School: Trinity University of Asia
COurse: Mass Communication
DVD freako and Movie Geeko
Addicted to microwave ovens and spinning washingmachines

N Other

Huh?♥

I love my DVDs:D
I love my IPOD .
I love my FRIENDS and FAMILY and GOD .

N Bringing the PAst Back


N ~CIRCLE OF LINX~


N Talk to Me!!

Speak Up ♥



N CD In

Listen up ♥


N Heroines

Thanks ♥

Designer : StupidXXidioT BaseCode : blen-ded.notes♥
Codings : Dynamicdrive
Images : devianart Font: Dafont